Aabot sa 162 million pesos na halaga ng financial assistance ang naipaabot ng pamahalaan sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño phenomenon sa Bicol kasama ang iba pang government assistance at services.
Mula sa nasabing bilang, aabot sa 10.28 million pesos na cash assistance ang ibinigay sa Camarines Norte, habang 50 million pesos sa Camarines Sur.
Ipinaabot na rin ng pamahalaan ang nasa 41.55 million pesos na halaga ng financial assistance sa Albay, 10.23 million pesos sa Catanduanes, 10.23 million pesos sa Catanduanes, 36.79 million pesos sa Masbate, at 13 million pesos sa Sorsogon.
Aabot sa 80,479 na pamilya ang apektado, o 368,360 individuals mula 918 na barangay sa rehiyon na may kabuoang 11,252.11 ektaryang agricultural land ang napinsala, na nagdulot ng production loss na nasa 21,333.88 metric tons na nagkakahalaga ng 532.87 million pesos.
Aabot sa 26.26 million pesos na halaga ng tulong ang naibigay sa mga apektadong pamilya sa Bicol habang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakapag-prepositioned na ng halos 40,000 family food packs na nagkakahalaga ng 27.22 million pesos kabilang ang 223.24 million pesos na halaga ng standby funds at stockpile.
Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Pangulong Marcos sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng El Niño na ihahatid ng pamahalaan ang mga kinakailangang tulong lalo na sa mga malalayo at liblib na lugar.
Pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng kabuoang 2,115 certificates of land ownership award (CLOAs) at electronic titles sa 1,965 agrarian reform beneficiaries sa Bicol
Ipinamahagi rin ang nasa 617 farm machineries at equipment (FMEs) na nagkakahalaga ng 20.66 million pesos sa Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) habang walong natapos na farm-to-market roads (FMR) projects na nagkakahalaga ng 193 million pesos ang nai-turn over na sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa Camarines Sur.






