Nakapag-abot na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng higit sa daang milyong pisong halaga ng humanitarian aid sa mga naapektuhan ng Bagyong Kristine.
Sa datos ng DSWD, nasa P163,843,918.47 ang halaga ng humanitarian assistance ang naibigay.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, nakapag-monitor ang ahensya ng 1.21 million na pamilya o 4.6 million na tao na apektado ng kalamidad.
Nasa 277,000 family food packs ang naibigay sa mga lokal na pamahalaan.
Kabuoang P2,710,767,549.29 na available relief resources, kung saan P2.5 billion ay para sa food at non-food aid, habang ang natitirang balance ay gagamitin bilang standby funds.




