Nasa P202 million na halaga ng buffer stocks ang inihanda ng Department of Agriculture (DA) Bicol para tulungan ang nasa 13,623 na magsasakang apektado ng Bagyong Enteng.
Ayon kay DA Bicol Spokesperson Lovella Guarin, ang assistance ay kinabibilangan ng mga binhi ng hybrid rice, corn, at assorted na gulay.
Hinihikayat nila ang mga magsasaka na i-report sa kanilang tanggapan ang mga naiwang pinsala sa kanilang municipal agriculture offices.
Maaari rin silang mag-avail ng tulong sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa kanilang crop insurance claim.
Sa datos ng DA Bicol, nasa 350.85 million ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura sa rehiyon, o katumbas ng 14,814 metric tons ng crops.
Sa ngayon, patuloy ang DA sa kanilang assessment sa pinsalang idinulot ng Bagyong Enteng sa rehiyon.






