Nag-iwan ng nasa 203.38 million pesos na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ang Bagyong Carina at Hanging Habagat.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang mga apektadong lugar ay lalawigan ng Nueva Ecija, Pampanga, Oriental Mindoro, Romblon, Aklan, Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Southern Leyte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, Agusan del Sur, at North Cotabato.
Pinakamalaking napinsala ay palay na nasa 2,299 metric tons (MT).
Kabilang din sa mga naapektuhang agricultural commodities ay high value crops, corn, livestock at poultry.
Nakapagtala rin ng DA ng 2,323 animal losses.
Nasa 9,198 na magsasaka ang apektado na may production loss na nasa 2,574 metric tons.
Gayumpaman, patuloy ang isinasagawang validation ng DA sa mga natatanggap nilang datos.
Una nang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 9.7 million pesos ang iniwang pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura.






