Nakahanda na ang nasa 22 milyong pisong halaga ng assistance para sa mga magsasaka sa Kabikulan na matinding naapektuhan ng epekto ng El Niño Phenomenon.
Sa panayam kay Department of Bicol (DA) Bicol Spokesperson Lovella Guarin, ang tulong mula sa DA ay ilalabas sa mga apektadong local government units (LGU) bago ang pagsisimula ng susunod na cropping season.
Binubuo ang assistance ng nasa 13,500 bags ng certified rice seeds, 1,650 bags ng hybrid seeds, 300 bags ng yellow corn seeds, 5,000 packets ng assorted vegetable seeds, at fertilizers.
Nakipag-coordinate na rin sila sa Philippine Crop Insurance Corporation para matiyak ang bayad sa mga apektadong magsasaka.
Nagbigay na rin ang DA Bicol ng listahan ng mga magsasaka sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) para sa pagbibigay ng cash assistance.
Sa datos ng DA, aabot na sa 353 million pesos ang iniwang pinsala ng dry spell sa rice harvests sa lalawigan ng Masbate, Sorsogon, Albay, at Camarines Sur, apektado ang nasa 9,283 na magsasaka.






