Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat na family food packs (FFPs) at iba pang relief items na handang ipamahagi sa mga apektado ng masamang panahon.
Ayon kay DSWD Disaster Risk Reduction and Management Division Information Officer Carl James Cabarlesm kabuoang 121,867 family food packs na nagkakahalaga ng P89.3 million, at 78,331 non-food items na nagkakahalaga ng 121.6 million pesos ang naka-standby sa prepositioning sites at siyam na warehouses sa rehiyon.
Bukod dito, mayroon ding P3 million standby funds para sa disbursement sakaling mangailangang bumili ng dagdag na food packs at non-food kits.
Sa ngayon, aabot sa P3.3 million na halaga ng food packs ang naipamahagi na sa 5,503 na pamilya sa Albay.






