Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pamamahagi ng 50 milyong pisong halaga ng financial assistance sa 5,000 magsasaka at mangingisda at sa kanilang pamilya na apektado ng El Niño phenomenon sa probinsya ng Albay nitong Biyernes, Hunyo 07, 2024
Ginanap ang aktibidad sa Albay Astrodome na dinaluhan nina Ako Bicol Partylist Cong. Zaldy Co at Cong. Jil Bongalon.
Sa datos ng Department of Agriculture (DA), aabot sa 532.8 million pesos ang halaga ng pinsala ng El Niño sa production.
Sa kanyang talumapati, hinihikayat ni Pangulong Marcos ang mga benepisyaryo na samantalahin ang tulong ng pamahalaaan para sila ay makapagsimula muli ng kanilang kabuhayan.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nanguna sa paghahatid ng ayuda na nasa 10,000 pesos na financial assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Ayon kay DSWD Bicol Regional Director Norman Laurio, patunay ito ng dedikasyon ng administrasyon sa pagtulong sa vulnerable communities at pagtiyak ng food security.
Bukod dito, itinurn-over din ng pangulo asa DA at attached agencies ang dalawang unit ng open-source pumping sets, isang unit ng cassava granulator, 10 sako ng hybrid seeds, 10 sako ng hybrid corn seeds, 10 sako ng urea fertilizer, 10 sako ng complete fertilizer, 10 sako ng muriate ng potash fertilizer, dalawang unit ng tractor mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization, tatlong unit ng 18-foot fiber fishing boars, 20 bottom sets ng gillnets mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), 10 sako ng inbred certified seeds mula sa Philippine Rice Research Institute.
Naghatid din ang pamahaan ng 100 million pesos sa pamahalaang panlalawigan ng Albay, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon.






