Aabot sa 65 million pesos na halaga ng ilegal na droga ang nasabat habang 389 drug personalities ang naaresto sa ikinasang 368 drug operations ng Police Regional Office (PRO-5) nitong unang kwarter ng 2024.
Ayon kay PRO 5 Spokesperson Police Lt. Col. Malu Calubaquib, kabilang sa kanilang nasabat ay ang 17,431.30 gramo ng marijuana, 9,221.82 gramo ng shabu, at 40 gramo ng cocaine.
Ang PRO 5 ay nakapagsagawa ng 344 operations laban sa loose firearms na nagresulta sa pagkakaaresto ng 66 na indibiduwal at pagkakakumpiska ng 394 assorted firearms.
Nakapaglunsad din ang Kasurog cops ng 279 operations kontra illegal gambling na nagresulta sa pagkakaaresto ng 758 individuals at pagkakakumpiska ng P459,096 na bet money.
Nakapag-aresto ang PRO 5 ng 52 most wanted criminals sa regional level, 28 sa provincial level, 24 sa city level, 168 sa municipal level, at 933 na iba pang wanted persons.
Nasa 62 police operations din ang ikinasa kontra illegal fishing activities kung saan 205 indibiduwal ang naaresto, at 4.42 million pesos na halaga ng fishing paraphernalia ang nasabat.
Nasa 78 naman ang naaresto dahil sa anti-illegal logging.
Nakapagsagawa rin sila ng 19 na operasyon kontra criminal gangs, kung saan 10 ang naaresto, isa ang nasawi, at 13 ang boluntaryong sumuko.
Sa kampanya kontra insurhensya, 44 ang naaresto, 53 ang boluntaryong sumuko, dalawa ang namatay habang 46 na firearms at 35 explosives ang narekober at nakumpiska.





