Higit P6 million na halaga ng cash assistance at home materials ang ipinamahagi sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo sa Bicol Region.
Matatandaang mula sa Bagyong Kristine ay nagdulot ito ng malawakang pagbaha sa Albay at Super Bagyong Pepito na lubos na napuruhan sa Catanduanes.
Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), ang cash at home material assistance ay ipimahagi sa 350 pamilya sa dalawang probinsya nitong Nobyembre 21, 2024, kabilang ang P10,000 para sa pamilyang may partially damaged houses at P30,000 para sa mga totally damaged houses.
Inihayag ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, ay assistance ay sa ilalim ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP), at alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos para sa lahat ng ahensya ng gobyerno na palawigin ang tulong sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo.
Kabilang sa mga recipients ng IDSAP ay 7 pamilya mula sa Camalig, 6 sa Daraga, 31 mula Guinobatan, 32 mula sa Libon, 15 mula sa Oas, 10 mula sa Pio Duran, 33 sa Polangui, at 20 mula sa Tabaco City – lahat ay totally damaged houses. Nakatanggap sila ng tig-P30,000.
Personal namang sinaksihan ni Undersecretary for Disaster Response Randy Escolango ang humanitarian mission sa Ibalong Centrum for Recreation sa Legazpi City kasama ang DHSUD Regional Office 5 Director Richard Manila, Strategic Communication and Public Affairs Service Director Mario Mallariat iba pang house officials.
Bago ang event sa Legazpi, sinamahan ni USec. Escolango sina House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Partylist Representative at Appropriations Committee Chairman Zaldy Co sa Virac, Catanduanes para sa hiwalay na humanitarian mission.
Nasa P15 million halaga ng home materials at essentials (HOMEs) ang ipinadala sa Catanduanes para sa distribution ng typhoon victims.
Nitong nakaraang linggo, nakapaghatid ang DHSUD ng 1,000 home materials at essentials (HOMEs), sa halagang P14 million, sa Naga City at Camarines Sur.
Dagdag na batch ng HOMEs na nagkakahalaga ng P22 million ang ipinadala sa Camarines Sur at Naga City.





