Nakapagkumpiska ang Police Regional Office 5 (PRO5) ng nasa P7.3 million na halaga ng ilegal na droga at nakapag-aresto ng anim na suspects sa serye ng operasyon mula Disyembre 23 hanggang 29.
Ayon kay PRO5 Director Police Brigader General Andre Dizon, sa mga operasyon, nakapagkumpiska 1.076 kilogram ng shabu at 3 gramo ng marijuana.
Kabilang dito ang nasa isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million na nasabat sa Matnog Port noong Disyembre 23.
Naitala sa Camarines Sur ang P408,000 na halaga ng ilegal na drogang nasabat, sinundan ito ng Naga City (P54,400), Albay (P41,160), at Camarines Norte (P13,600).





