CAMARINES SUR – Aabot sa P76,000 halaga ng hinihinalang shabu ang narekober ng awtoridad sa isinagawang search warrant operation sa Zone 1, Sampaguita Street, Barangay Triangulo, Lungsod ng Naga nitong Hunyo 12, 2024.
Target sa operasyon ang isang alyas ‘Sons’ na hindi naabutan ng operatiba pero naaresto ang caretaker ng kanyang bahay na nagngangalang Celso.
Nakumpiska sa operasyon ang P76,636 pisong halaga ng shabu na may bigat na 11.27 gramo.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si alyas Sons dahil sa mga nakuhang ebidensya sa bahay nito. Patuloy siyang tinutugis ng mga awtoridad.
Naging matagumpay naman ang operasyon dahil sa pinagsanib pwersa ng City Police Drug Enforcement Unit, Station Drug Enforcement Unit, Police Station 2, Police Station 1, Police Station 5, Criminal Investigations Unit, at Philippine Drug Enforcement Agency Naga City.






