Ikinokonsidera ng Police Regional Office 5 (PRO5) na mapayapa sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng Bagong Taon.
Ayon kay PRO-5 Director, Brig. Gen. Andre Dizon, resulta ito ng komprehensibong paghahanda para sa seguridad, at proactive cooperation.
Naka-heightened alert ang Bicol police para matiyak ang kaligtasan ng publiko kasabay ng pagdiriwang. Kabilang sa mga ipinatupad ang pagpapalakas ng presensya ng mga pulis, pagpapaigting sa pagpapatrolya, pinalawak na visibility sa public spaces.
Nagsagawa ang PRO5 ng region-wide crackdown ng illegal fireworks, na nakapagkumpiska ng 1,657 improvised ‘boga’, at 3,433 unauthorized firecrackers.
Wala pang naitala ang Bicol Police na fire incidents dulot ng paputok, casualties mula sa ligaw na bala, at illegal firearm discharges.
Nagpapasalamat si Dizon sa publiko, sa lokal na pamahalaan, at community stakeholders para sa kanilang kooperasyon ngayong holiday period.





