Naging mapayapa ang pagdaos ng Bisperas ng Pasko, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Acting Chief, Lieutenant General Jose Melencio Nartatez, wala silang naitalang insidente kaugnay sa misa.
Ito aniya’y bunga ng sama-samang disiplina ng publiko at pinaigting na presensya ng pulisya.
Ani Nartatez, naka-deploy ang mga pulis sa mga simbahan, transport terminals at convergence areas para tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
Nagpapasalamat ang PNP sa church leaders, lokal na pamahalaan, force multipliers at volunteers na nakipagtulungan sa kanila para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa naturang okasyon.
Mananatili ang heightened police visibility at public safety operations ngayong holiday season.



