Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang ginawang enforced disappearances sa dalawang aktibista sa Tabaco City, Albay.
Ang CHR Region V ay naglunsad ng Quick Response Operation (QRO) para imbestigahan ang umano’y pagdukot kay James Jasminez, 63 na iniulat na dinukot ng grupo ng mga kalalakihan at isinakay sa isang puting van noong gabi ng Agosto 23.
Ang pangalawang insidente ng pagdukot ay sa kaibigan ni Jasminez na si Felix Salaveria Jr., 66-anyos, na dinukot umano ng mga lalaki at ipinasok sa isang silver van habang pauwi matapos bumili ngf pagkain nitong Agosto 28.
May mga nakasaksi sa insidente at nakunan din ng CCTV ng barangay.
“The CHR calls for an exhaustive and immediate search for Jasminez and Salaveria, along with other victims of enforced disappearances in the country. This requires the full cooperation of all relevant authorities and law enforcement bodies to act swiftly in addressing this alarming situation,” ayon sa CHR sa statement.
Binigyang diin ng CHR ang mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act 10353 o Anti-Enforced o Involuntary Disappearance Act.






