CAMARINES SUR – Sapul sa CCTV ang pagtangay ng isang kawatan sa isang nakaparadang motorsiklo sa Barangay Anayan sa bayan ng Pili hapon nitong Hunyo 28, 2024.
Kinilala ang may-ari ng motorsiklong si Arnel Vergara.
Ayon sa live-in-partner nitong si Maria Cristina Callada, wala siya sa bahay nang mangyari ang pagnanakaw, habang tulog naman daw si Arnel kaya madaling natangay ng suspek ang kanilang motorsiklo.
Aniya, isang taon pa lamang sa kanila ang motorsiklo at kaka-fully paid pa lang nila nito.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng PNP para mahuli na ang suspek.






