Inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang kanyang tuwa sa tila ‘political reconciliation’ nila ni dating Vice President Leni Robredo.
Matatandaang nagkita at nagkamayan sina Marcos at Robredo kasabay ng inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena nitong Huwebes, Oktubre 17, 2024.
Sa kanyang talumpati sa Malacañan, pinasalamatan ni Pangulong Marcos si Senate President Francis Escudero na naging daan ng pagkikita nila ni Robredo.
Sa hiwalay na panayam naman kay House Speaker Martin Romualdez, na pagkakaisa ang tanging hangad ng pangulo para sa bansa.
Sina Marcos at Robredo ay magkatunggali noong 2016 vice presidential elections kung saan si Robredo ang nanalo bilang bise presidente, habang si Marcos ang nanalo sa pagkapangulo noong 2022 elections laban kay Robredo.
Una nang sinabi ni Escudero na ‘symbolic’ ang pagkikita ng dalawa.




