Inaprubahan sa ikatlo’t huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na naglalayong amiyendahan ang ilang probisyon ng Universal Healthcare Act (UHC).
Ayon kay Senator JV Ejercito, ang pagpasa sa Senate Bill No. 2620 ay magbibigay daan sa mababang premium contribution para sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Nakapaloob din sa panukala ang probisyong pagbabawal sa paglipat ng ano mang bahagi ng pondo o kita ng PhilHealth o provident fund, at special health fund patungo sa General Fund ng National Government, o iba pang ahensya at Government Owned and Controlled Corporation (GOCCs).
Tiniyak din sa panukala na ang premium contributions ng migrant workers ay nakabatay sa income floor (10,000); 50-percent ng premium contribution ng migrant workers ay sasagutin ng national government.
Gayumpaman, sakaling ang local manning agencies ay patuloy na sasagutin ang 50% ng premium contribution.
Sa ilalim ng panukala, sinabi ni Ejercito na ang mga hindi nabayarang kontribusyon ng distressed migrant workers ay hindi agad kokolektahin pagdating nila sa bansa.
Ang kabiguang pagbabayad ng kontribusyon ay hindi magiging ground o batayan para sa non-issuance ng overseas employment certificate (OEC) ng migrant worker.





