Target na maipasa bago ang pagtatapos ng 19th Congress ang panukalang batas na magtatatag ng Department of Water Resources.
Ito ay ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) kasunod ng 7th meeting of the Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Sa press release, binigyang diin ni NEDA Arsenio Balisacan na ang pagtatag ng DWR ay makakatulong sa bansa lalo na sa pagtugon sa baha at pagpapahusay ng agricultural productivity.
Dagdag pa ni Baliscan, ang pagsasama ng governance at water resources regulation, makakatiyak na maaabot nito ang water security.
Ang panukalamng DWR at ang Water Regulatory Commission ay nakalista bilang isa sa top priority bills sa ilalim ng LEDAC Common Legislative Agenda, ayon sa NEDA.
Bukod Dito, isinusulong din ang iba pang CLA bills, kabilang ang pag-amiyenda sa Electric Power Industry Reform Act, Magna Carta of Barangay Health Workers, at National Government Rightsizing Program.
Kabuoang 29 mula sa 64 panukala sa ilalim ng CLA ang nilagdaan na bilang batas.





