Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang Department of Science and Technology (DOST) na paghusayin pa ang warning systems sa publiko kapag may kalamidad na tatama sa bansa.
Sa kanyang pagbisita sa Talisay, Batangas, sinabi ng pangulo na nais niya na pagbutihin ng DOST ang pagbibigay ng napapanahong babala patungkol sa mga panganib na dulot ng bagyo.
Bukod dito, inatasan din ng pangulo ang DOST na makipagtulungan sa Department of Interior and Local Government (DILG) para tiyaking may epektibong paraan ng komunikasyon kapag mayroong bagyo para magarantiya ang kaligtasan ng publiko.
Ipinag-utos naman ng punong ehekutibo sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pag-aralan ang disaster response measures para nasisigurong naihahatid ang agarang tulong sa mga apektadong residente.
Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay dapat tiyaking ang mga kalsada at tulay ay mayroong slope protection design.
Aminado ang pangulo na hindi naging sapat ang pagtugon ng pamahalaan sa naging epekto ng Severe Tropical Storm Kristine.
Walang problema rin kay Pangulong Marcos sa plano ng mga mambabatas na busisiin ang flood control projects ng pamahalaan.
Aniya, na-‘overwhelm’ ang mga flood control projects sa matinding ulang ibinagsak ni ‘Kristine’






