Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang pagtatag ng storm surge risk maps para tulungan ang mga apektadong local government units (LGU) na paghandaan ang mga pumapasok na bagyo sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang tanging paraan para malabanan ang storm surge ay lumikas at magtungo sa matataas na lugar.
“If it is a three-meter storm surge, we have to get people at least five meters above that level,” ani Marcos.
Ayon sa PAGASA, ang isang moderate at high risk storm surge ay maaaring mangyari 48 oras sa ilang lugar dahil sa Bagyong Pepito.
Nagbabala ang PAGASA sa mga sumusunod na probinsya dahil sa banta ng storm surge o daluyong: Quezon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon, Eastern Samar, at Northern Samar.
Ang Department of Interior and Local Governent (DILG) ay magbibigay abiso sa mga at-risk areas para magsagawa na ng mandatory pre-emptive evacuation.
Nasa 200,000 pamilyang nakatira sa coastal barangay ang apektado ng storm surges.




