Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang paghahatid ng tulong sa naapektuhan ng Bagyong Marce sa Cagayan at Ilocos Norte.
Nasa higit 80 milyong pisong halaga ng financial assistance ang ipinamahagi ng pamahalaan sa mga bayan sa Cagayan.
Kabilang dito ang tig-P10 million na cash assistance sa mga bayan ng Aparril, Buguey, Sanchez-Mira, Santa Teresita, Baggao, Gattaran, Gonzaga, at Santa Ana.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), and Department of Agriculture (DA) sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangang residente, maging sa mga kabuhayang naapektuhan ng bagyo.
Ang Department of Public Works and Highways (DPWH), and Department of Education (DepEd) ay nakatutok sa pagsasa-ayos ng mga imprastraktura, at mga eskwelahang napinsala ng bagyo.
Nasa 1,800 food packs ang ipinamahagi ng DSWD, 200 packs ng 5 kilo ng bigas, at 20 boxes ng sardinas mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at 1,000 packs ng 10 kilo ng bigas mula sa National Irrigation Administration (NIA).
Nasa P866.3 million na halaga ng iba’t ibang interventions ang alok ng DA sa mga magsasaska tulad ng hybrid rice seeds, fertilizer discount, vegetable seeds, native chickens, at ducks.
Bukod dito, nasa P50 million na halaga ng financial assistance ang hatid din ng Office of the President sa mga bayang apektado ng bagyo sa Ilocos NOrte.
Sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng pamahalaan, ang national government ay nakapamahagi ng P20 million sa mga bayang naapektuhan ng bagyo.
Nasa P6.54 million ang naipaabot sa bayan ng Pagudpud para sa 1,273 habang ang mga munisipalidad ng Pasuquin, Vintar, at Baccara ay nakatanggap ng tig-P3.21 million, para sa tig-625 benepisyaryo sa bawat bayan.
Ipinamahagi naman ang tig-P1 million sa mga bayan ng Adams, Bangui, at Burgos, para sa 194 beneficiaries ng bawat bayan, habang P847,440 ang natanggap ng 165 beneficiaries.
Sa kanyang talumpati, inihayag ni Pangulong Marcos na patuloy ang DSWD sa pagbibigay ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo.
Aniya, matinding hangin ang dala ng Bagyong Marce.
Bukod sa cash assistance, namahagi rin ng food packs, rice, seedlings, at sanitation kits.





