Tumanggi si Pangulong Bongbong Marcos Jr. na pag-usapan ang paglipat ng Filipina death row convict na si Mary Jane Veloso sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, nakiusap ang Indonesian Government na huwag magbibigay ng ano mang anunsyo hanggang sa maplantsa ang lahat, kaya dapat lamang na igalang ang kanilang hiling.
Una nang sinabi ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano na naghayag ng intensyon ang Indonesia na ilipat si Veloso sa Pilipinas pagsapit ng Pasko.
Nagkasundo ang Pilipinas at Indonesia sa paglipat kay Veloso kasunod ng high-level meeting na isinagawa abroad.
Si Veloso ay convicted sa kasong drug trafficking matapos mahulihan ng 2.6 kilo ng heroin sa Yogyakarta at hinatulan ng parusang bitay.
Kaugnay nit0, nanawagan ang Ecumenical Bishops Forum (EBF), isang fellowship ng Catholic at Protestant bishops sa pamahalaan na bigyan ng full clemency si Veloso.
Sa statement, matapos ang halos 15 taong pagkakakulong, nakikiisa ang EBF sa iba pang grupong nananawagan sa pamahalaan na bigyan ng full clemency si Veloso.
Ayon sa EBF, si Veloso ay naging simbolo ng overseas Filipino workers (OFW).
“We rejoice at the magnanimity of the Indonesian Government. We hope the Philippine Government will complete the joy of the family by extending full clemency to a person vexed so wrongly and for a long time,” ayon sa EBF.
Sina Retired bishops Ciriaco Francisco, Joel Tendero, retired Reverends Emelyn Gasco-Dacuycuy, Dindo dela Cruz Ranojo, at Bishop Emeritus Deogracias S. Iniguez, Jr., DD. ang lumagda sa naturang pahayag.





