Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakapagtala sila ng 194,842 outbound passenger sa lahat ng pantalan sa bansa nitong Bisperas ng Pasko.
Ito ay bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2025”
Sa datos ng PCG, nakapagtala ng 194,456 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa bansa.
Ang 16 PCG districts ay nakapag-inspeksyon sa 1,514 vessels at 1,949 motorbancas
Nananatiling naka-heightened alert ang PCG lalo na ang mga distrito nito, stations, at substations mula December 20, 2025 hanggang January 04, 2026 para sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Holiday Season.





