Nagsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mock operation ng paghigop sa 1.4 million liters ng industrial fuel oil (IFO) at pag-salvage sa lumubog na motor tanker MTKR Terranova sa Limay, Bataan.
Ayon kay Coast Guard Station Bataan Station Commander Lt. Cdr. Michael John Encina, ang simulation ay isinagawa sa Lamao Port.
Layunin ng mock operation na matukoy ang epektibong paraan para makuha ang langis mula sa tanker at mapalutang to sa dagat.
Batay sa inisyal na plano, nasa 300,000 liters mula sa kabuoang 1.4 million liters ng cargo fuel ang hihigupin mula sa MTKR Terranova at sapat na ito para lumutang.
Ang siphoning operation ay inaasahang tatagal anim hanggang pitong araw, kung saan 50,000 hanggang 60,000 liters ng langis ang target nahigop kada araw.
Kaugnay nito, lumabas sa pagsisiyasat marine casualty investigation team na binuo ng PCG na masamang panahon ang common denominator sa paglubog ng MTKR Terranova at MTKR Jason Bradley at pagsadsad nbg MV Mirola 1.





