Nagpaalala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga miyembro nito patungkol sa coverage sa pagpapagamot para sa leptospirosis at dengue.
Ito ang pahayag ng ahensya sa harap ng lumolobong kaso ng mga nabanggit na sakit.
Sa abiso ng PhilHealth, ang dengue fever benefit package ay kasalukuyang nasa 13,000 pesos, habang ang dengue hemorrhagic benefit package ay nasa P16,000.
Samantala, ang mga tinamaan ng leptospirosis ay maaaring mag-avail ng package na nasa P14,300.
Mula Enero hanggang Setyembre 6, aabot sa 208,965 ang kaso ng dengue sa bansa – 68% na mataas kumpara sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon na may 124,157 cases, batay sa datos ng Department of Health (DOH).
Sa Leptospirosis, aabot na sa 123 ang kaso ang naitala sa buong bansa mula Agosto 18-31.




