Maaari nang mag-avail ang mga pasyenteng may breast cancer ng hanggang 1.4 million pesos na benepisyo para sa kanilang pagpapagamot.
Ito ay matapos aprubahan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) hike para sa “Z-Benefit Package”
Ayon kay PhilHealth Acting Vice President for Corporate Affairs Group Rey Baleña, inaprubahan ng PhilHealth Board ang package rate para sa breast cancer patients mula sa dating 100,000 pesos hanggang 1.4 million, epektibo Marso 30, 2024.
Sakop aniya ito sa lahat ng stages ng breast cancer mula 0 hanggang IV, maging ang management nito kabilang ang surgery, chemotherapy, targeted therapy, hormonotherapy, at surveillance.
Ayon sa World Health Organization (WHO) ang treatment para sa breast cancer ay epektibo lalo na kung agad nade-detect ang sakit.
Kabilang sa mga sintomas ay breast lump o bukol; pag-iba ng laki, hugis o itsura ng dibdib, pagbabago ng itsura ng nipple o utong o ng balat na nakapaligid dito, o abnormal nipple discharge.
Ayon sa PhilHealth, ang mga miyembro at kwalipikadong dependents ay maaaring mag-avail ng enhanced benefit package sa oras ng pre-authorization approval.





