Hinihikayat ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang healthcare facilities at professionals na mag-apply para sa accreditation bilang service providers para sa bagong dental care benefits.
Ayon kay PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma, Jr., inilulunsad nila ang preventive oral health services package.
Ang naturang package ay bahagi ng Konsultasyong Sulit at Tama (Konsulta) Program.
Sa bagong dental package, ang mga miyembro ng PhilHealth at kanilang qualified dependents ay maaaring mag-avail ng annual routine preventive oral care services, tulad ng mouth examination o oral screening, dental prophylaxis o cleaning, at flouride varnish application.
Sako din sa package ang pit and fissure sealant at iba pang procedures para sa maximum na dalawang ngipin.
Ang emergency tooth extractions at dental consultations ay magiging bahagi rin ng benefit package.
Sinabi ni Ledesma, ang inisyatibong ito ay bahagi ng “Ngiting 70-20” na layong matiyak na ang bawat Pilipino ay may 20 permanent teeth hanggang pagsapit ng edad 70.



