Philippine Army, nakahanda na sa BSKE 2023
LEGAZPI CITY – Asahan na ng mga Bikolano ang pagkakaroon ng mas mahigpit na seguridad sa Bicol lalo na sa mga lugar na may presensya ng insurhensya dahil sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BKSE) sa October 30.
Ayon sa tagapagsalita ng 9th Infantry Battalion Philippine Army na si Captain Frank Roldan, mas papaigtingin nila ang pagbabantay upang maiwasan ang kaguluhan na pwedeng mangyari saan mang bahagi ng rehiyon.
Dagdag pa niya, bago pa man ang Election Period, may dalawang na silang itinalagang Brigade at siyam (9) na Infantry Battalion. Dinoble rin daw nila ang seguridad sa mga probinsya ng Masbate, Sorsogon at Albay na may mga presensya ng rebeldeng grupo na maaaring manggulo sa Electoral Process.
Kaugnay nito, hiningi naman ni Roldan sa mga kandidato na maging huwaran lalo na sa pagsunod sa mga pinapalabas na panuntunan sa eleksyon.



