Kailangan nang umangkat ng bigas ng bansa para mapunan ang nawala sa sektor ng agrikultura bunsod ng mga bagyong tumama sa bansa nitong nagdaang tatlong linggo.
Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, nag-iwan ng matinding pinsala sa sektor ng agrikultura ang dumaang anim na bagyo.
Ang Department of Agriculture (DA) ay posibleng mag-angkat ng nasa 4.5 million tons.
Aabot na sa 7.039 billion pesos ang pinsala sa agrikultura dahil sa susud-sunod na bagyong dumaan sa bansa, at naitala ito sa Regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 8, 12, at Cordillera.





