ALBAY – Daan-daang residente ng bayan ng Camalig ang nakiisa sa ‘Pinangat Longest Line and Boodle fight’ nitong Hunyo 21, 2024 na bahagi ng pagdiriwang ng Pinangat Festival.
Pinangunahan ni Camalig Mayor Caloy Baldo ang naturang aktibidad.
Ayon kay Mayor Baldo, nais nilang maibida ang masarap at magatang pinangat na mas nagpapakilala sa kanilang bayan.
Nasa 3,000 na pinangat servings ang inilatag sa mga mesa na gawa din mismo ng mga nagtitinda sa bayan.
Samantala, namahagi rin ng mga libreng pinangat si Mayor Baldo sa mga dumaraang motorista.






