Umabot na sa 171 million pesos ang halaga ng pinsala ng tag-tuyot sa sektor ng agrikultura sa dalawang lalawigan sa Kabikulan.
Sa ulat ng Department of Agriculture (DA) Bicol, ang probinsya ng Masbate ay nakapagtala ng 140.6 million pesos na pinsala sa agrikultura habang nasa 30.4 million pesos na halaga ng pinsala naman sa Albay.
Sa isang panayam kay DA Bicol Public Information Officer Lovella Guarin, aabot sa 6,561.72 hectares ng rice farmlands ang apektado ng tag-tuyot habang nasa 2,300 ektaryang sakahan ang wala nang tiyansang makarekober.
Aabot sa 8,000.53 metric tons ang naitala nilang total production loss kung saan 3,070 na magsasaka mula sa mga bayan ng Placer, Dimasalang, San Pascual, Milagros, Cawayan, at Esperanza sa Masbate ang apektado, habang nasa 4,059 farmers mula sa bayan ng Libon at Pio Duran sa Albay ang apektado.
Patuloy ang DA Bicol tumanggap ng report mula sa iba pang probinsya sa Bicol.





