Pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol ang training para sa mga fisherfolk organizations patungkol sa post-harvest technologies at financial literacy upang mapahusay ang kanilang kita at financial management.
Ayon kay BFAR Spokespeson Rowena Briones, nasa pitong fisherfolk groups na may higit 210 miyembro ang sumailalim sa skills training.
Dagdag pa Briones na bukod sa regular fishing skills, kasama rin sa training ang pagpasok sa isang maliit na negosyo tulad ng fish processing at preservation para matiyak na hindi nasasayang ang mga ani.
Sakop din ng training ang iba’t ibang post-harvest technologies kabilang ang food safety, personnel health and hygiene, proper handling ng isda, packaging at labeling.
Mayroon ding hands-on training ang mga miyembro sa paggawa ng mga produkto tulad ng fish nuggets, turon, at longganisa.
Ipinakilala rin sa mga participants ang Fish N’ Learn, isang financial literacy game na layong mapabuti pa ang kanilang budgeting, saving, investing, credit management, at financial planning skills.






