Gagamitin na rin ang presidential helicopters at iba pang transportation assets mula sa militar at pulisya para maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine.
Ito ang inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos kasabay ng pagtitiyak na paparating na ang tulong ng pamahalaan.
Ipinag-utos din ng Punong Ehekutibo ang full mobilization ng available personnel at resources ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para magsagawa ng relief operations.
Sasali rin ang mga miyembro ng medical corps ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National police (PNP) sa relief efforts.
Alas-6:49 ng umaga ng Biyernes, Oktubre 25, 2024 nang umalis sa Manila ang C-130 plane at dumating sa Bicol International Airport.
Inatasan na rin ni Pangulong Marcos ang Department of Budget and Management (DBM) na ilabas ang kinakailangang pondo para makabili ng mga kakailanganing resources.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay agad na ihahatid sa mga apektadong lugar ang relief goods, kabilang ang pre-positioned at bagong supplies para alalayan ang mga local government units.
Ipinag-utos naman ng Department of Agriculture (DA) ang quick planting at production turn-around para tulungan ang mga magsasaka.
Ipinatupad naman ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang emergency road clearing operations. Hinihikayat din ang mga private contractors na na makilahok sa restoration ng traffic para sa damaged roads and bridges.
Binabantayan naman ng Department of Trade and Industry (DTI) ang compliance sa price control sa mga piling produkto na ipinapatupad sa lahat ng mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity.
Inatasan din ng pangulo ang DTI na tiyaking tuloy-tuloy ang daloy ng mga produkto sa mga apektadong lugar.
Magkakaroon din ng Kadiwa stores sa mga apektadong lugar.
Gayumapaman, ipinapaabot ni Pangulong Marcos ang kanyang simpatya sa mga biktima ng bagyo.




