Kumpiyansa si Pangulong Bongbong Marcos Kr. na inaasahang magmumura ang presyo ng bigas sa bansa.
Ang bigas ay kabilang sa tumutulak sa inflation, nag-aambag ng 1.3 percentage points sa inflation.
Ayon kay Pangulong Marcos, nakikita nilang nasusunod ang projections sa rice prices at ganito rin ang nangyayari sa iba pang bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) tulad ng Thailand at Vietnam.
Dagdag pa ng pangulo, kailangan ng bansa na mag-angkat ng asukal para matiyak ang supply at mapatatag ang presyo.
Ang retail price ng refine sugar ay nananatiling nakataas sa 35%, mataas sa January 2022 level.
Ang overall inflation ay bumagal mula 4.4% nitong Hulyo 2024 sa 3.3% nitong Agosto 2024.






