Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko na maging alerto lalo na at laganap ang online scams at marami ang mananamantala ngayong holiday season.
Ayon sa DILG, maaaring i-report ng publiko ang mga insidente ng online scams sa pamamagitan lamang ng isang ‘click’ sa pamamagitan ng www.scamwatchpilipinas.com
Maaaring isumbong ng publiko ang online scams sa pamamagitan ng pag-type ng link sa kanilang web browser, i-click ang hotline button para tawagan ang 1326 sa homepage, o pag-click sa messenger button para i-report ang insidente sa pamamagitan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center’s (CICC) messenger.
Ang Scam Watch Pilipinas ay naglunsad ng bagong website para sa madaling pagsusumbong ng online scams dahil direkta na ito sa Inter-Agency Response Center (I-ARC) ng pamahalaan.
Ang I-ARC ay isang task force na naglalayong i-centralize ang sumbungan ng cybecrime sa pamahalaan na binubuo ng CICC, Department of Information and Communications Technology (DICT), National Privacy Commission (NPC), at National Telecommunications Commission (NTC), katuwang ang Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), at National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division.






