Magsasagawa ng Rabies: One Health, Zero Death Town Hall Meeting ang Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD), katuwang ang Albay Provincial Health Office (APHO) at Albay Provincial Veterinary Office at iba pang stakeholders sa March 14, 2023 sa Albay Provincial Agriculture Office, Camalig, Albay para sa pagpapaigting ng rabies program sa rehiyon na kaugnay ng selebrasyon ng Rabies Awareness Month.
Layunin nitong mabigyan ng kaalaman ang mga lokal na pamahalaan ukol sa rabies response at control programs ng ahensya, gaya ng pagpapatupad ng mga ordinansang may kaugnayan sa responsableng pagmamay-ari ng alagang hayop upang maiwasan ang mga insidenteng dulot nito.
Magkakaroon din ng parehong meeting sa probinsya ng Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon sa mga susunod na buwan.
Matatandaang nitong Enero 2024, nakapagtala ng dalawang rabies death ang APHO sa Pio Duran at Jovellar kung saan nagkaroon ito ng 60 close contacts. Agad na nagsagawa ng contact tracing, mass vaccination, at orientation sa dalawang kasi na ngayong idineklara nang “case closed and contained.”
Gayunpaman, hangad ng ahensya ang pakiiisa ng publiko sa pagsugpo ng nasabing sakit sa pamamagitan ng pagiging isang responsableng pet owners.
Sakaling makagat ng anumang hayop at na-expose sa rabies virus ay agad hugasan ang sugat ng tubig at sabon ng sampung minuto at agad na pumunta sa ospital para sa anti-rabies vaccine.




