SAN FENANDO, MASBATE – Himas-rehas ngayon ang isang babaeng tinaguriang Rank 1 regional most wanted person (RMWP) sa Bicol matapos mahuli ng awtoridad sa ikinasa nitong operasyon sa sa Brgy. Salvacion, San Fernando, Masbate City kaninang alas 7:00 ng umaga, Enero 4, 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Julie”, may dalawang bilang ng kasong Murder na walang inirerekomendang piyansa.
Nasa kustodiya na ng awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.






