LEGAZPI CITY – Magsisimula na muli sa Pebrero 12, 2024 ang voters’ registration sa buong bansa na magtatagal hanggang sa Setyembre 30, 2024.
Kasabay ng pagsisimula nito ay ang muling pagbubukas rin ng Register Anywhere Program (RAP) ng ahensya na layuning makapagbigay ng mas komportableng pagpaparehistro.
Ayon kay Comelec Bicol Director Atty. Maria Juana Valeza, ikakalat ang mga sattelite registration sites sa mga strategic location tulad ng private establishments kagaya ng malls, church organizations, government offices o agencies at educational institutions.
Bukas ang RAP sa lahat na kwalipikadong botanteng Pilipino, kaya hindi na hassle ang pagpaparehistro.
Taong 2002 nang magsagawa ang poll body ng pilot testing ng programa sa mga piling lugar sa bansa. Sa Bicol ginawa ang pilot testing sa SM City Legazpi.
Sa ilalim ng naturang programa, maliban sa pagpaparehistro, maaari rin ang transfer of registration, correction, at reactivation.
Kumpara ng mga nagdaang taon, isang pahina na lamang ang form na kailangan fill-upon ng mga magpaparehistro.
Magtatagal ang RAP hanggang sa Agosto 31, 2024 simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado.
Samantala, kinakailangang government-issued ID ang ipresenta ng mga mag-a-avail ng muling pagbubukas ng mga serbisyo ng Comelec.






