Patuloy ang isinasagawang rescue at relief operations ng pamahalaan para tulungan ang mga Pilipinong nangangailangan matapos ang hagupit ng Bagyong Pepito.
Sa kanyang talumpati sa 49th Philippine National Prayer Breakfast (PNPB) sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na isinasagawa ang rescue at relif efforts sa isolated areas at sa mga displaced cmmunities.
Dagdag pa ng Punong Ehekutibo na patuloy din ang rebuilding ng mga imprastrakturang nasira ng bagyo.
Ikinalungkot ng pangulo ang isang naitalang fatality mula sa Daet, Camarines Norte, batay sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Nagpapasalamat ang pangulo sa first responders, local government units (LGU) at sa lahat na tumutulong sa nitong mga nagdaang anim na sunud-sunod na bagyo na tumama ng bansa, mula sa Bagyong Kristine hanggang Pepito.





