CAMARINES SUR – Wala ng buhay nang matagpuan sa ilalim ng mga water lily sa ilog sakop ng Barangay Ombaopolpog, Bula, Camarines Sur ang isang taong gulang na lalaking sanggol matapos na mahulog sa sinasakyan nitong bangka pasado alas-8:00 ng gabi nitong Linggo, Mayo 26, 2024.
Pauwi mula sa pista sa kalapit na barangay ang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak kabilang ang 10-taong gulang na bata at ang sanggol. Pero sa lakas ng daloy ng tubig sa ilog ay biglang tumaob ang sinasakyan nilang bangka hanggang sila ay inanod.
Nakaligtas ang mag-asawa at 10-anyos na bata pero hindi nakaligtas ang sanggol na natagpuang wala ng buhay mag aalas-9 na ng umaga nitong Lunes, Mayo 27.
Napag-alamang lasing ang padre de pamilya na posible umanong dahilan upang hindi nito namaneobra ng maayos ang bangka.
Nailibing na ang sanggol.






