Plano ng Department of Agriculture (DA) na ibaba ang selling price ng bigas sa ilalim ng “Rice-for-All” initiative ngayong buwan.
Sa ngayon, ibinebenta ang well-milled rice sa P40 kada kilo sa ilang Kadiwa Locations sa Metro Manila.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary and Spokesperson Arnel De Mesa, sisimulan nilang ibaba ang presyo ng bigas sa ilalim ng programa sa halagang P38 hanggang P39 kada kilo.
Bukod sa pagpapababa ng well-milled rice na ibinebenta sa Kadiwa stores, sinisilip na rin ng DA na ibaba ang presyo ng iba pang bigas ngayong buwan.
Ilulunsad ng DA ang “Sulit Rice” at “Nutri Rice” programs kung saan ibebenta ang mga bigas sa halagang P35-P36, at P37-P38.






