ALBAY – Mas mailalapit pa sa bawat Bicolano ang mahusay na serbisyong medikal lalo na at pinasinayaan na ang itatayong 20-storey Integrated Specialty and Wellness Center Hub sa Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) sa Lungsod ng Legazpi.
Pinangunahan nina House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Congressman at Committee on Appropriations Chairperson Zaldy Co ang Capsule Laying at Groundbreaking Ceremony nitong Hunyo 7, 2024.
Ayon kay Co, hindi na kinakailangan pang mag-tungo sa ibang lugar ng mga Bicolano upang magpagamot dahil itatayo na mismo sa Bicol ang bago at komprehensibong ospital sa bansa. Magsisilbi rin aniya ang naturang pasilidad bilang landmark sa rehiyon.
Ang itatayong pasilidad ay magkakaroon ng Heart, Lung and Cancer treatments. Ang Legacy Specialty hospital ay mayroon ding state-of-the-art
Samantala, nag papatuloy na rin ang ginagawang 10-storey Legacy Specialty Hospital na makukuha rin sa loob ng BRHMC. May State of the Art Facilities ito tulad ng MRI at CT Scan na magbibigay ng modern medical diagnosis at treatment.
Inihayag din ni Co na malapit ng matanggap ng mga medical personnel sa rehiyon na nagtrabaho noong COVID-19 Pandemic ang kanilang naantalang allowance.
Pinasalamatan din ni Co si Romualdez sa suportang ibinibigay sa ibat-ibang proyekto at programa ng partido katulad ng pagpapagawa ng evacuation center sa mga probinsya na maaaring magamit sa oras ng kalamidad at ang Haven Legacy para sa mga inabandonang matanda, inabusong mga kababaihan at mga bata higit sa lahat ang suportang ibinigay nito upang mapabuti ang serbisyo ng kuryente ng Albay Electric Cooperative (ALECO).
Tiniyak ni Romualdez na patuloy na susuportahan ang mga programa ng Ako Bicol na magpapabuti ng pamumuhay ng mga Bicolano.






