Binigyan ng perfect score ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kanyang naging performance mula noong SONA ng nakaraang taon.
Ayon kay Romualdez, ipinakita ng pangulo ang kanyang matibay na liderato at nagawa ang mga mahahalakang hakbang para matupad ang kanyang mga pangako noong huling SONA.
Umaasa si Romualdez na mas bibigyang diin ni Pangulong Marcos ang pagkakaisa at tiyaking maihahatid ang pangangailangan ng bawat Pilipino.
Inaasahang isusulong ni Pangulong Marcos ang ilang mahahalagang panukala at inisyatibo na layong mapaganda ang kabuoang kalidad ng buhay ng mga Pilipino.
Kabilang na rito ang mga batas na mapadali at mapahusay ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao, pagtugon sa mga isyu sa ekonomiya, kalusugan, edukasyon, at imprastraktura.
Tiniyak ni Romualdez na ipaprayoridad ng Kamara ang mga panukalang ito at masigurong maipapasa ang mga ito.
Nabatid na nasa 17 panukalang batas ang naipasa ng Kamara na binanggit ni Pangulong Marcos sa kanyang 2023 SONA, lima ang naisabatas kabilang ang LGU Income Classification (RA 11964), Ease of Paying Taxes Act (RA 11976), Tatak Pinoy Law (RA 11981), ang New Government Procurement Reform Act (RA 12009), at Anti-Financial Accounts Scamming Act (RA 12010).




