Nagpaalala ang Social Security System (SSS) Legazpi sa mga employer ukol sa kanilang obligasyon hinggil sa pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga manggagawa.
Ayon kay SSS Legazpi Attorney III Ma. Charissa Oliver-Velasco, dapat itinuturing na proteksyon ng mga empleyado at employer ang kanilang kontribusyon at hindi dagdag gastos.
Matatandaang binisita ng SSS ang pitong employers sa Guinobatan, Albay na may paglabag sa kanilang obligasyon bilang bahagi ng SSS Run Against Contribution Evaders (RACE) campaign.
Sa ilalim ng naturang programa, sinabi ni Velasco na mahihikayat ang mga employer na gawin ang kanilang obligasyon lalo na ang pag-remit ng SSS contributions ng kanilang empleyado, batay sa Social Security Act (RA 11199).




