Isinailalim sa state of calamity ang lalawigan ng Albay nitong Martes, Oktubre 22, 2024 bunsod ng malawakang pagbaha at landslides dulot ng pag-ulan ng Bagyong Kristine.
Sa isang panayam, sinabi ni Albay Public Safety Emergency Management Office (APSEMO) acting chief Dante Baclao, unanimously approved ang Sangguniang Panlalawigan ang deklarasyon sa isinagawang regular session.
Tutulong na ang pamahalaang panlalawigan sa mga local government units (LGU) sa kanilang pangangailangan.
Ayon kay Board Member at Liga ng mga Barangay president Hisham Ismail, na chairman ng crisis committee ng Sangguniang Panlalawigan, maaari nang gamitin ang calamity fund para sa disaster response at relief efforts.
Una nang ipinag-utos ni Albay Acting Governor Glenda Ong-Bongao ang pagpapalikas sa mga residente lalo na sa mga nakatira sa high-risk areas lalo na ang mga nakatira malapit sa paanan ng Bulkang Mayon.






