LEGAZPI CITY, ALBAY – Inihayag ng Social Weather Stations (SWS) na ang survey na isinagawa ukol sa voter preference sa pagkagobernador at bise gobernador ng Albay sa 2025 Elections ay kinomisyon ni Ginoong Rupert Paul Manhit.
Ayon sa SWS ang survey ay isinagawa mula March 29 hanggang April 5, 2025 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 3,370 registered voters (edad 18 anyos at pataas) sa lalawigan ng Albay. 1,065 na botante o respondents ay mula sa unang distrito ng lalawigan, 1,110 sa pangalawang distrito, at 1,195 sa ikatlong distrito.
Ang tanong sa survey ay nakasaad sa dayalektong Bikol: “Kun ang eleksyon gigibuhon ngonyan, siisay ang pinakamalamang nindong iboboto para sa GOBERNADOR at BISE-GOBERNADOR? Sa laog kang envelope na ini ang listahan kang mga kandidato. Sa Gobernador at Bise-Gobernador ay hanggang saro (1) lang. Paki-shade o itoman ang oval na kataid kan pangaran kan mga tao na pinakamalamang nindong iboboto. Pagkatapos po nindo
mag boto, pakilaag sa laog kang envelope ang balota nindo asin paki balik sakuya.”
Batay sa survey, si Joey Salceda ang nangunguna sa pagkagobernador na nakakuha ng 44% nitong Abril, mataas mula sa 38% noong Marso. Katumbas ito ng 418,000 na botante sa Albay.
Sa pagkabise gobernador naman, nangunguna rin ang running-mate ni Salceda na si Co na may 37% o katumbas ng 350,000 voters sa lalawigan nitong Abril. Maatas kumpara sa 30% noong Marso.





