Nangunguna sa pinagpipilian sa pagkagobernador at bise gobernador sa lalawigan ng Albay sina LAKAS candidates Joey Salceda at Diday Co.
Batay sa voter preference survey ng Social Weather Stations (SWS), si Salceda ay nakakuha ng 44% nitong Abril, mataas mula sa 38% noong Marso. Katumbas ito ng 418,000 na botante sa Albay.
Nasa 12 porsyento na mataas mula sa kasunod na si dating Legazpi City Mayor Noel Rosal na may 32%.

Sa vice gubernatorial race, nangunguna rin ang running-mate ni Salceda na si Co na may 37% o katumbas ng 350,000 voters sa lalawigan nitong Abril. Maatas kumpara sa 30% noong Marso.

Ang survey ay isinagawa mula March 29 -April 5, 2025, isang araw pagkatapos ng opisyal na pagsisimula ng local campaign period.




