MASBATE –Mahigit 600 mamamayan ng bayan ng San Jacinto ang naging benepisyaryo sa ika-pitong pag-arangkada ng Tarabangan Caravan ng Ako Bicol Partylist nitong Biyernes, Mayo 17.
Ilan sa mga inialok na serbisyo ng partido ay medical at dental mission, libreng gupit, masahe at libreng wheelchairs.
Samantala, naging posible ang caravan sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) Bicol, Tanchuling General Hospital, Philippine Navy-Navforsol Southern Luzon, Philippine Coast Guard (PCG), Children International Philippines Inc. Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Bureau of Fire Protection (BFP), Evegate Technical Development Training Academy Incorporated at iba pang stakeholders.
Layunin ng Tarabangan Caravan na mailapit ang libreng serbisyong medikal sa mga mahihirap na mamamayan sa Kabikulan.






