ALBAY – Tatlong bahay ang sunod-sunod na nasunog sa bayan ng Bacacay, Albay nitong Martes at Myerkules (April 2, 3, 2024).
Unang nasunog ang pagmamayaring bahay ni Elizabeth Bellen ng Brgy. 12 hapon nitong Martes.
Lumalabas sa imbestigasyon na resulta ang sunog sa paggamit ng posporo ng isa sa mga apo ni Bellen na isang Person with Disabilty (PWD).
Sinundan naman ito ng pagkakasunog ng dalawang bahay sa Brgy. 14 at Brgy. Sugod nitong Myerkules.
Sa imbestigasyon lumalabas naman na faulty electrical wiring ang sanhi ng insidente.
Ayon kay FInsp. Raymundo Oliver Jr. ang acting Municipal Fire Marshal ng Bacacay Fire Station bago pa ang insidente ay kaliwa’t kanan na ang ginagawa nilang kampanya laban sa sunog kabilang na rito ang pag kakaroon ng Fire Safety Seminars, Public Fire Education, at Fire Drill pati na rin ang Field Survey na parte ng kanilang kampanya na ‘Oplan Ligtas na Pamayanan’ naniniwala kasi sila na sa ganitong mga paraan ay mas mapapalawak ang kaalaman ng publiko sa pag iwas sa sunog.





