ALBAY – Hagip sa CCTV ang pagsalpok ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa isang pampasaherong tricycle sakay ang tatlong magka-kapamilya umaga ng Hunyo 19, 2024 sa Brgy. Taladong, Camalig, Albay.
Kinilala ang driver na si Michael Navia, residente ng Brgy. Cotmon, parehong lugar, tiyahin nitong si Rosario Navia, 58-anyos ng Brgy. Mina at apo nitong lalaki na isang taon gulang pa lang.
Sa imbestigasyon ng awtoridad, galing sa palengke ang mga biktima at pauwi na sana sa kanilang bahay sa Barangay Mina subalit hindi agad narinig ng tricycle driver ang pagbusina ng tren kaya nagdire-diretso sila hanggang sa hindi nito napansin ang paparating na tren na biyaheng Legazpi-Naga.
Nagpapagaling na sa ospital ang mga biktima.






